FEATURE OF THE WEEK

EVENTS | Why Puerto Galera In The Philippines Is Perfect for Holy Week?

Holy Week in the Philippines is one of the most anticipated holidays, and for many Filipinos, it’s an opportunity for reflection, relaxation...

Thursday, April 18, 2019

ARTICLE | May Hikaw Na Ako

Filipino Students

May Hikaw Na Ako

Napigtal na ang tanikalang gumagapos sa mga kamay ng makabagong kabataan;kaya't ubod lakas nitong iginupo ang pader na nagsisilbing pagitan kay Eba at Adan. Anuman ang gawin ni babae ay siya na ring layaw ni lalaki, kung kaya't dumating na ang puntong pati sa paghubog ng makabagong estilo ay wala na ring pinagkaiba ang dalawang nilalang ng Diyos.

Minamasdan ko ng may sapat na pang-unawa ang mga kalalakihan na humahayo't paikot-ikot sa bawat pasilyo ng aking paaralan. Paroo't parito at kanya kanyang yabangan na nagawa ko na ang ganito, nakita ko na ang ganyan. At tingnan ninyo, "may hikaw na ako" ang wika pa ng ilan. Sino nga ba ang magsasabing ito ay lantarang pag abuso sa malinis na kaakit-akit at matipunong mukha, Kung halos lahat nang makasalubong mong lalaki sa paaralan ay may butas ang magkabilang tainga, samahan pa ng iba't ibang disenyo ng hikaw mula sa maliit hanggang sa malaki.

Kakat'wa subalit totoo. Nabubuhay tayo sa mundo na kung saan ang makalumang Ibarra ay madalang nang makita sa senaryo ng karaniwang araw sa paaralan. Hindi naman masisisi ang mga guro sapagkat hindi sila nagkukulang sa paala-ala sa kanilang mga mag-aaral na ang tanggaling ang mga hikaw sapagkat wala naman itong maidudulot na mabuti sa kanila, bagkus mas lalo lamang nilang mararamdaman ang pagtaboy ng lipunan sa mga kalalakihang, lalo't higit sa mga mag-aaral na nagsusuot ng hikaw; sapagkat maaring makakuha ang mga ito ng iba't ibang sakit.

Subalit tunay nga ba'ng nararamdaman ng mga mag-aaral na ito and pagiging biktima ng marahas na lipunan? Nauunawan ba nila ang dahilan kung bakit sila nagsusuot ng hikaw? At maiaalis mo ba sa kanila ang karapatang sumunod sa tinatawag nilang uso?

Minsan may mga taong sadyang nagugulimihanan; hindi alam ang kanilang sinusunod. Pagdating sa hikaw, nagiging isang malaking kahungkagan ang sinasabi nilang mas nagiging kaakit-akit sila kapag nagsusuot sila ng hikaw. Pakiramdam nila, nadaragdan ang kanilang pagkalalaki. Sunod sa uso, ika nga. Pag wala kang hikaw, hindi ka katatas-pulong.

Gayunpaman, hindi dapat makaligtaan ng mga mag-aaral na hindi pagsunod sa uso ang tanging paraan upang maiphayag ng malaya ang matibay na pagkalalaki. Hindi naitatayo ang dambana ng pagiging mapitagang Pilipino sa pamamagitan nang pagsusuot ng hikaw; sa halip mas nararapat na pagtuunan ng pansin kung paano makipagkapwa ng walang pagpapanggap, pag-aalinlangan at pagdududa sa ipinagkaloob ng Maykapal - ang malinis na pangangatawan na higit sa anu pa man ay hango sa wangis Niya.

Binabaybay ko'ng muli ang daan patungo sa aking silid paaralan nang mapangiti ako matapos maulinigan ang winika ng isa sa grupo ng mga kalalakihang nakaumpok sa ilalim ng mayabong na puno. Tulad ng dati ay nagpapayabangan pa rin sila sa isa't isa bigkas ang mga katagang, "may hikaw na ako."

No comments:

Post a Comment

We'd love to hear from you. Comment your reactions below.