FEATURE OF THE WEEK

EVENTS | Why Puerto Galera In The Philippines Is Perfect for Holy Week?

Holy Week in the Philippines is one of the most anticipated holidays, and for many Filipinos, it’s an opportunity for reflection, relaxation...

Monday, October 26, 2015

ARTICLE | SINO ang FILIPINO?

SINO ang FILIPINO?


Ayon sa Wikipedia.com, ito ang FILIPINO:
  • Refer to people of Philippine descent, regardless of citizenship ( ibig sabihin, lahat ng taong pinanganak ditto sa Pilipinas ).
  • Gumagamit ng national language, which is Filipino, as designated in the 1987 Constitution
  • Culture of the Philippines reflects the complexity of the history of the Philippines through the blending of Pre-Hispanic indigenous Austronesian ( ang Kulturang Filipino      ay pinaghalong kultura ng mga tao dito sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila ).

Mula naman sa inic.utexas.edu/asnic/countries/Philippines.html:
  • Filipino Malay ancestors brought with them their culture – food, drinks, community life, government and laws, language and literature, religion. ( dala-dala na dawn g mga ninuno natin ang Kulturang Pinoy nung dumating sila dito sa Pilipinas ) 
Isang pagpuna naman sa Filipino mula sa www.filipinasoul.com

  • Filipino culture breeds mediocrity. It is the cause of the problems of the Philippines and is inherently impossible to change. ( Pasaway daw ang mga Pilipino dahil naka-ugat na ito sa kultura natin at siyang sanhi ng mga problema natin ngayon )

KONSEPTO AT IMAHE NG PILIPINO


Palagi na lang nababanggit ang salitang “Filipino”, “Pinoy”, “Noypi”, at marami pang iba. Madalas ginagamit na lang ang konseptong ito ng walang malalim na pagkaunawa. E kasi nga naman, bakit nga ba kelangang pag-tuunan ng pansin ang isang bagay na palasak sa ating lahat. Pero minsan, mapapaisip ka rin kung ano nga ba ang sinasabi silang “Filipino” o mas tamang itanong kung sino nga ba sila. Sa sarili ko pa lamang ay hindi ko na tiyak kung sino nga ba ako bilang Pilipino. Ang nanay ko ay Tagalog at ang tatay ko naman ay Muslim. Malamang sa malamang, dahil dito sa Luzon nagmula ang nanay ko, may dugo kaming Tsino at Espanyol. Ang tatay ko naman, dahil nagmula sa Sulu, malamang e may lahing Indonesian at Malaysian. E ano ako? Isang-kapat na tsinoy, espanyol, Indonesian at Malayo? Hay, masyado talagang magulo ang pagbibigay kahulugan sa mga pinaka-simpleng bagay.

Ngayon, habang nagtatanong ako sa kung sino nga ba ang Pinoy at nagbubuklat ako ng mga larawan at artikulo sa internet ng mga salitang “Fillipino” at “Filipino culture”, napapangiti ako kasi ang madalas kong makita ay pawang ukol sa ating mga tradisyon. Andyan ang tungkol sa pagkain, sayaw, mga pasyalan, at iba pa. Pero madalang ang nakawan, holdapan, lokohan, tsismisan, inggitan na makita sa mga “sites” ng internet. Kung minsan rin natatawa na lang ako kasi bakit nga ba ganito ang mga Pilipino, natural ba ang mga ugaling ito o maaring impluwensiya lang din sa atin.

Kung susundan ang linya ng pag-iisip ni Charles Darwin sa kanyang teorya ng ebolusyon, maaring napasa ang mga ugaling sa kasalukuyan ay ginagawa natin mula sa ating mga ninuno. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pagka-giliw natin sa mga banyaga. Tinatawag natin itong “xenocentrism”. Kung lilimiim, bakit nga ba naging madali para kay Magellan na dumaong sa dalampasigan ng Limasawa noong dumating siya? Kasi mahilig sa puti ang mga ninuno natin. Kung sa bansang Hapon siguro sila dumaong, tiyak putol ang ulo nila. Kaso, dahil nga giliw tayo sa banyaga, tinanggap natin sila ng buong puso. At ngayon, alam na alam natin na isa sa mga dahilan kung bakit tayo naghihirap ay dahil sa pagtangkilik natin sa mga dayuhan sa halip na sa sarili nating bansa at mga kababayan. Syempre, hindi ko naman sinasabing totoo lahat ito. Ang sinasabi ko lang, maaring isa ito sa mga dahilan.


No comments:

Post a Comment

We'd love to hear from you. Comment your reactions below.