FEATURE OF THE WEEK

EVENTS | Why Puerto Galera In The Philippines Is Perfect for Holy Week?

Holy Week in the Philippines is one of the most anticipated holidays, and for many Filipinos, it’s an opportunity for reflection, relaxation...

Tuesday, May 21, 2013

LIFESTYLE | Zarsuela

Zarsuela


Ang zarsuela ay isang pagtatanghal na ginagamitan ng iba't ibang awitin bilang pangunahing paraan ng pag-uusap. Ito ay nagsisilbing instrumento para sa mga naunang Pilipino upang makapaghayag ng mga saloobin at kuro-kuro. Karaniwan nang pinapaksa ng mga zarsuela noong una ang mga tungkol sa pag-ibig subalit maaari rin naman itong tumalakay sa kasalukuyang panahon at pumuna sa mga bagay-bagay na di kanais-nais.


Ang zarsuela ay ipinakilala ng mga Kastila sa Pilipinas, subalit noon lamang 1914s sumikat ng husto. Gayunpaman ay hindi din ito nagtagal at sa paglaon ay napalitan ng bodabil o vaudeville. Ilan sa mga zarsuelang naitanghal sa ating bansa ay "Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa" at "Dalagang Bukid."

_____________
Hango mula sa aking mga lumang tala, August 2, 2001

No comments:

Post a Comment

We'd love to hear from you. Comment your reactions below.