FEATURE OF THE WEEK

EVENTS | Why Puerto Galera In The Philippines Is Perfect for Holy Week?

Holy Week in the Philippines is one of the most anticipated holidays, and for many Filipinos, it’s an opportunity for reflection, relaxation...

Thursday, May 23, 2013

BOOK | Muslim sa Mindanao sa Pananakop ng mga Kastila

Muslim sa Mindanao sa Pananakop ng mga Kastila


Ang mga taga-Mindanao sa pananakop ng mga Kastila ay naging matigas sa mga pagtatangkang pagsakop ng mga dayuhan. Hindi sila sumang-ayon na makipag-isa sa mga Kastila lalo't higit magpa-alipin sa mga ito. Mas naging mabagsik ang mga taga-Mindanao sa mga Kastila dahil pinipilit ng mga dayuhan na gawin silang mga binyagan samantalang matatag na ang Mohamedismo sa Mindanao ng mga panahong yaon.



Ang pinunong si Sultan Alimudin bagamat nakipagkasundo sa pamahalaang Kastila noon na magiging maluwag sa mga Kastilang misyoneryo ay bumalik pa rin sa Islam dahil sa paniniwalang hindi dapat hayaang makapasok ang mga Kastila sa Mindanao. Si Sultan Alimudin ay pinuno noon sa Mindanao at dahil siya ay naging mabait sa mga Kastila, siya ay inagawan ng trono ng kanyang kapatid.

Iniutos pa ng kapatid ni Sultan Alimudin na ipapatay ito. Dahil sa mga pangyayari'y napilitan sumapi muli sa panig ng mga Kastila si Sultan Alimudin. Sa kasamaang palad, nalaman ng mga Kastila na patuloy na nakikipag ugnayan si Alimudin sa ibang mga Muslim kaya ito ay ipinakulong. 


Sa buong pananatili ng mga Kastila sa Pilipinas, naging kabi-kabila ang palitan ng lakas sa pagitan ng pwersang Kastila at Muslim. Naging mabalasik ang mga Muslim noon kaya't bawat bayan na kanilang sinasalakay ay kanilang nilulotlot at sinusunog ang mga kabahayan. Naging mapayapa na lamang ang relasyon ng dalawa ng makipagkasundo si Sultan Kudarat sa pamahalaan.



__________________

Hango mula sa mga lumang tala, Kasaysayan 1, February 20, 2006



No comments:

Post a Comment

We'd love to hear from you. Comment your reactions below.