FEATURE OF THE WEEK

FASHION | 16 Work Outfits That'll Make You Feel Like a Boss (And Look Like One Too!)

  In the world of professional style, the right work outfits can completely transform not just how you look but how you feel. From chic blaz...

Monday, September 8, 2008

MOVIE REVIEW | My Sassy Girl (Tagalog Script)

My Sassy Girl (Tagalog Script)


After an arduous task of transcribing the entire movie which took me for about three days, sacrificing too many classes, here it is, the Tagalog script of MY SASSY GIRL. To all you people out there, who would be using this, please never forget to cite my name. A little acknowledgment is all I ask. That's all. No copyright reserved. I don't own the creative idea behind the script.






MY SASSY GIRL

Opening Music

YOHAN: Eksaktong dalawang taon mula ngayon dito sa lugar na ito ibinaon namaing dalawa ang isang time capsule. Nangako kami noon sa isa't isa na magkikita dito pagkalipas ng dalawang taon. Kaya lang hindi pa rin siya dumarating. Hindi bale, mag-aantay ako.

PHOTOGRAPHER: Ready sir? Wag po muna kayo gagalaw. One...

YOHAN: Teka, teka sandali ha (sasagutin ang cellphone) ah hello. Ah tita bakit po? ah, papunta na ako. Sorry po, ah ganun po ba? Sorry po talaga. Oo, darating ako. Ah nagpapakuha pa ako ng litrato. Ah sige. (ibababa ang cellphone)

PHOTOGRAPHER: Ready na sir?

YOHAN: Okay

PHOTOGRAPHER: Wag kayong gagalaw. One, two... (tutunog ang kamera).

YOHAN: Ang gusto ng mga magulang ko anak ba babae kaya pinalaki nila ako na parang isang babae. Pitong taon na ako nang malaman ko na lalaki pala ako. Si mama naman, pilit pa rin akong isinasama sa mga pambabaeng bath house. Naisip ko tuloy kapag tumanda na ako baka unti-unting liliit at mawawala na yung alam nyo na yung nakalawit sa akin pero hindi eh. Kabaligtaran ang nangyari.

UNANG BAHAGI

KAIBIGAN: Pare hindi ka nagbabago ah...

YOHAN: Kahit magsama-sama pa kayo hindi niyo ako kaya.

KAIBIGAN: Pare umamin ka na kasi, taga-lagay ka pa rin ng bala sa baril.

YOHAN: Ano ba, hindi niyo ba ako titigilan? Para sabihin ko sa inyo, delikado yung ginawa ko sa army. Nagtrabaho ako malapit sa DMZ kaya palagi kaming naka-alert doon.

KAIBIGAN: Sabi ng mama mo sa opisina ka lang.

KAIBIGAN: Tama na, tama na. Ang importante nakabalik ka na. Welcome back pare. O, cheers...

YOHAN: Hindi ko mapigilan ang sariliko pag nakakakita ako ng type kong babae. Kailangan at least maka-first base ako. (iinom ng alak) ahhh, (tutunog ang cellphone) asar, istorbo naman to o. Hello, mamaya ka na lang tumawag...

NANAY: Anong mamaya na lang?

YOHAN: Ah ma, kayo pala...

NANAY: Bakit wala ka pa sa bahay ng tita mo ha?

YOHAN: Ang totoo po niyan ano, paalis na po ako rito. Ma...

NANAY: Ayokong mapahiya sa kaibigan ko Yohan...

YOHAN: (sa mga kaibigan) Tumahimik nga muna kayo kausap ko ang nanay ko ano ba!

NANAY: ...alalahanin mo, isang taon nang nakakaraan

YOHAN: Isang taon? Ganun na pala yun katagal..

NANAY: Alam mo namang madalas malungkot ang tita ngayon mula nang mamatay ang nag-iisa niyang anak na lalaki kaya matutuwa yun pag nakita ka. Ang sabi niya sa akin kamukha mo daw yung namatay niyang anak. Nakikinig ka ba?

YOHAN: Hindi ko naman siya kamukha ah. Saka ma, ayokong hinahalikan ako ni tita na parang baby tapos nilalamutak yung mukha ko.

NANAY: May ipapakilala daw siya sa yong babae...

KAIBIGAN: Dun ka nga sa labas.

YOHAN: Sabihin niyo salamat na lang... Romatic akong tao. Kaya kapag makikipagkilala ako sa isang babae gusto ko yung nababasa sa romantic comic books. Pero, parang ngayon...

(Dadaan ang tren at ilalayo ang babae sa train tracks. Sa loob ng tren, titingnan ni Yohan ang lasing na babae)

YOHAN: Ganyan sana ang tipo kong babae kaya lang ayoko sa isang yan. Alam niyo kung bakit? Naku, kasi diring diri ako sa mga babaeng lasing. Grabe ibang klase.

BABAE: Ano ba, tumayo ka nga diyan. (Babatukan ang lalaking nakaupo) Tayo na.

PASAHERO: Tumayo ka na daw, sige na.

(Tatayo ang lalaki at lalakad palayo. Pipigilan ng babae)

BABAE: Teka, wag ka magsusuot ng pink ha.

BOSES: Para po sa ating mga pasahero, pinapaalalahan po namin ang lahat na mag-ingat sa masasamang elemento. Mangyari po lamang na ipagbigay alam sa mga awtoridad kung may nakita kayong mga kahina-hinalang tao sa loob ng ating tren.
(Masusuka ang babae, habang si Yohan ay tila masusuka rin sa nakikita. Sususkahan ng babae ang matandang nakaupo)

BABAE: (Kay Yohan) Honey (Mawawalan ng malay)

YOHAN: Hindi ko ho kilala yan noh.

MATANDA: Halika ka nga.

YOHAN: Totoo ho yun.

MATANDA: Tingnan mo ang ginawa ng girlfriend mo.

YOHAN: Girlfriend? Teka, hindi naman ako ang...

MATANDA: Nangangatwiran ka pa. Halika sabi.

(Lilinisin ni Yohan ang suka sa ulo ng matanda at bahagyang matatawa)

MATANDA: Natatawa ka pa, ba't hindi mo inalalayan yang girlfriend mo alam mo na palang lasing. Ano ba bilisan mo kilos na dali. Bilis!

(Humahagulgol ang matanda)

MATANDA: Wig ko... (ibabalik ni Yohan ang wig sa ulo ng matanda) Bakit mo pa binalik?

YOHAN: Eh, sorry ho. Pasensya na ho kayo, pasensya na. Babayaran ko na lang ang pagpapa-laundry niyo.

MATANDA: Wag na, wag na. Ako na ang bahala. Asikasuhin mo na lang siya.

(Bababahin ni Yohan ang babae at iiwan sa isang upuan subalit maawa kaya't dadalhin sa isang motel subalit mahihirapang maghanap)

YOHAN: Kung kelan kailangan saka naman walang makita. San ba ang mga motel dito? Parusa to. Kasasabi ko lang ayoko sa mga babaeng lasing tapos ngayon may kasama na akong isa. Ang masama pa nito pasan-pasan ko siya.

BANTAY: Ah iho, mukhang plastado na yang kasamo mo ah

YOHAN: Oo nga ho eh pero hindi ko kasalanan

BANTAY: Wag mo na ikaila, stle ko rin yan eh.

YOHAN: Hindi manong, kasi malapit na ho kaming ikasal.

BANTAY: Gusto mo see through yung shower? O pangkaraniwan lang?

YOHAN: Kahit na ano. Kahit na ano okay lang.

BANTAY: Sa fourth floor.

YOHAN: Wala dito sa baba?

BANTAY: Wala sorry.

YOHAN: Asar!

(Dadalhin sa kwarto ang babae at ibababa sa kama. Kakatok ang bantay)

BANTAY: Nakalimutan niyo mag-register. Forty thousand won lahat.

YOHAN: Ano? Forty thousand won lahat?

BANTAY: Ayaw mo? E di sa iba na lang kayo mag-check in.

YOHAN: Hay nakaka-asar. O bilangin niyo (Iaabot ang pera. Akmang maliligo ngunit tutunog ang cellphone ng babae. Sasagutin naman ito ni Yohan)

YOHAN: Hello? Sino ho? Yung may-ari nitong cellphone? Ah ano ho kasi, andito ho siya sa tabi ko natutulog. Ha? San to? Sa Yukson Hotel malapit sa Bupyong Station. (Ibababa ang cellphone) Hmm, makaalis na nga.

(Babalik sa banyo si Yohan upang ituloy ang paglligo. Darating ang mga pulis.)

PULIS: Taas ang kamay!

YOHAN: Anong ginawa mo sa kanya?

PULIS: Taas ang kamay!

(Walang saplot si Yohan kaya't tinatakpan ng kamay ang kanyang ari ngunit itataas ulit hanggang sa tirahin siya ng spray sa mukha)

YOHAN: Whaaaahhhhhhhhhh..........

(Sa loob ng kulungan)

PRESO: Hoy kayo ha wag nyo pairalin yang kasibaan nyo ha. Tig-iisang hotdog lang ha.

MGA PRESO: Opo boss.

PRESO: Anong tinitingin-tingin mo diyan ha? Dun ka tumingin. Upakan kita diyan eh.

MGA PRESO: (Magtatawanan)

PULIS: Yohan, pwede ka na lumabas.

(Darating si Yohan sa bahay nila at makakasalubong ang nanay)

YOHAN: Hi ma.

NANAY: Galing kang Bupyong?

YOHAN: Ah opo, galing po ako dun.

NANAY: (Hahatawin ang anak) Sinungaling. San ka natulog kagabi ha? Tumawag ako sa kaibigan ko, sabi niya hindi ka pumunta sa bahay nila. Magsabi ka ng totoo Yohan...

YOHAN: Tama na ma...

NANAY: Nasan ang sweater mo? Wag ka umilag...

YOHAN: Aray..

NANAY: Ano'ng akala mo sa akin, mabibilog mo ang ulo ko?..

YOHAN: Hay, minalas ako ng husto dahil sa isang babaeng lasing. Nakakaasar talaga.

NANAY: Magsabi ka ng totoo. Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?

YOHAN:Teka ma, wala akong ginagawang masama...

NANAY: Bumalik ka, bumalik ka

YOHAN: Hindi ako nagsisinungaling

NANAY: Bumalik ka

YOHAN: Talagang nagpunta ako sa Bupyong pero hindi ako dumaan kina tita

(Lalabas ng bahay at aakyat sa pader si Yohan upang makapasok ng bahay)

NANAY: Hoy Yohan... Nawala? Lagot siya sa akin pagbalik niya.

YOHAN: Ang utak ko no? Actually isa lang akong tipikal na estudiyante sa kolehiyo. Engineering student. Palaaral? Hindi ako palaaral. Matalino na ako eh. Mana ako sa mga magulang ko.

(Flashback sa pagkabata ni Yohan habang pinaparusahan)

TATAY: Hay...

NANAY: Matalino ka anak. Ang problema hindi ka nagsisikap sa pag-aaral.

TATAY: Hindi ka mahihirapan dahil sa akin ka nagmana. Ngayon kung magtityaga ka, madali mong maitataas ang mga grades mo sa eskwela.

(Lumaki nang konti si Yohan)

TATAY: Naku itong batang ito talaga...

NANAY: Sa loob ng tatlong taon. four points lang ang itinaas?

TATAY: Ito ba ang ipinagmamalaki mong report card? Ha? Matalino ka alam ko dahil itong mama mo matalino rin. Magsipag ka lang sa pag-aaral para hindi ka mahirapan...

YOHAN: Pag may anak ka, wag na wag mong sasabihin sa kanyang matalino siya. Pustahan, hindi na magsisipag sa pag-aaral yun. Ambisyon ko? Ewan, hindi ko pa naiisip yun eh. Nakakahiya ano, pero inaamin ko tamad akong mag-aral.

(Magigising sa tunog ng cellphone si Yohan)

YOHAN: Hello?

BABAE: Walanghiya ka, sino ka?

YOHAN: Ha? Sino ba to?

BABAE: Ba't tayo magkasama sa hotel? Naka-hubo't hubad ka pa. Magkita tayo. Dun sa Bupyong Station ngayon na.

YOHAN: Wala naman akong... ano ba yun? Ako na nga tong nakulong at nabugbog para sa kanya tapos siya pa tong may ganang magalit.

(Sa Bupyong Station)

YOHAN: Ah, miss

BABAE: Ikaw ba?

YOHAN: Ako nga.

BABAE: Sumunod ka.

YOHAN: Ano, teka.

BABAE: Ba't nakatayo ka pa diyan?

(Sa loob ng shop)

TINDERA: Good evening sir, mam.

BABAE: Umorder ka na.

YOHAN: Ah isang cherry jubilee. Ah hindi, ano kaya mango tango o shooting star na lang masarap din kasi yung jamaican almonds eh. Ah, wag na nga lang. Isang lobby juice, large...
BABAE: Gusto mo... mamatay? Mag-coffee ka. Two coffees, ikaw magbayad.

(Uupo sa isang table)

BABAE: Sabihin mo na. Anong nangyari kagabi?

YOHAN: Ah yung nangyari kagabi, ah kasi lasing na lasing ka nun...

BABAE: Teka! Ayusin mo yang pagsasalita mo diyan.

YOHAN: Bale yun na nga lasing na lasing ka nun. Nakita kitang nakatayo sa may dulo ng rampa. Susuray suray ka pa nga eh kaya hinila kita para hindi ka mahulog ako yung nagligtas sa yo...

Sa totoo lang, kinabahan ako. Inisip ko, hindi kaya swindler itong babaeng to. Magkukunwaring lasing tapos mawawalan ng malay yun pala peperahan lang ang mababait na lalaking katulad ko.

BABAE: So tinawag pala kitang honey?

YOHAN: Oo ano.

BABAE: Hmm, parang naaalala ko nga yun eh. Dun sa motel nag-shower ka para maglinis ng katawan. Tapos dumating yung pulis.

YOHAN: Oo ano.

BABAE: Tingin mo posible yun?

YOHAN: Pag ganito kataray ang babaeng kaharap mo dapat ipakita mo sa kanyang matapang ka. Ipakita mo kung sinong boss.

BABAE: Yun lang bang nangyari?

YOHAN: Yun lang.

TINDERA: Sorry kung natagalan.

YOHAN: Okay lang yun. (Nakatingin sa babae) Pag hindi pala siya lasing, siya ang tipo ng babaeng magugustuhan mo. (Sa babae) Alam mo, mas maganda ka ngayon. Saka mas may buhay kayas kagabi.

BABAE: Ang lakas mo mang-asar ah.

YOHAN: Asar? Hindi ah, hindi, hindi ah.

BABAE: Ano gusto mo magpa-impress? Ayoko makipag-date sa yo. Hindi tayo bagay. At isa pa, hindi tayo para sa isa't isa. Itapon mo yang kalat ha.

YOHAN: Nakakaasar naman eh. Hay.

(Sa loob ng isang inuman)

YOHAN: Tumador siguro to. Talo pang barkada ko eh.

BABAE: Umorder ka na.

YOHAN: Ah sir, isang soju tsaka kimchi soup.

BABAE: Golbangji ang kainin mo.

YOHAN: E ba't hindi ikaw ang umorder?

BABAE: Ano ba, para kang bata. (Sa waiter) Golbangji please.

(Sa kabilang lamesa maririnig...)

CUSTOMER LALAKI1: Gusto mo mamaya sabay tao sa salami?

CUSTOMER BABAE1: Salami? Alam ko ibig sabihin nun, sa motel.

CUSTOMER BABAE2: May pera ba kayo?

CUSTOMER LALAKI2: Loaded din.

CUSTOMER BABAE2: Magkano ibibigay niyo?

CUSTOMER LALAKI2: Walang problema sa pera basta galingan niyo.

(Lalapitan ng babae ang kabilang lamesa)

BABAE: Kayo ha, binebenta niyo ang sarili niyo ha. At bakit golbangji ang kinakain niyo, umorder kayo ng iba.

CUSTOMER BABAE2: Pakelam mo ba? Akala mo kung sino ka ah.

CUSTOMER LALAKI1: Teka miss, kaibigan namin sila. Umiinom lang kami masama ba?

BABAE: Wag mong sabihing lahat ng mga kaibigan mo dinadala mo sa motel. Sige nga, ilang taon na kayo?

CUSTOMER BABAE1: Ba't inaalam mo pa? Ligal na kaming uminom at saka wala kang pakialam.

BABAE: Akala mo ba concerned ako sa pag-inom niyong dalawa? Yung ID mo akin na. Pati sa yo.

CUSTOMER BABAE1: Ano bang problema mo ha?

BABAE: Ilabas niyong mga ID niyo.

CUSTOMER BABAE1: Alis na nga tayo.

YOHAN: Ang angas talaga ng babaeng ito.

CUSTOMER LALAKI1: Wag muna kayo umalis.

YOHAN: Pero nakakahiya sa mga tao pag nalaman nilang kasama ko siya eh.

CUSTOMER LALAKI1: Sino ka para pakialaman ang ginagawa namin ha?

BABAE: Mahiya ka nga sa mga anak mo.

CUSTOMER LALAKI1: Wala akong anak. Baka gusto mong anakan kita diyan.

BABAE: Anakan pala ha, eh kung umbagin kong pagmumukha mo?

CUSTOMER LALAKI2: Tara na umalis na tayo pare...

CUSTOMER LALAKI1: Makikita ng babaeng ito...

BABAE: ...ng makita mo ang hinahanap mo. Ano ha!

CUSTOMER LALAKI1: Papatulan kita diyan.

CUSTOMER LALAKI2: Yung mga babae pare.

BABAE: Umayos ka, ayusin mo yang buhay mo

CUSTOMER LALAKI2: Tama na, wag mo na patulan

CUSTOMER LALAKI1: Bitiwan mo nga ako.

CUSTOMER LALAKI2: Tara na...

CUSTOMER LALAKI1: Akala mo kung siyang...

BABAE: Akala niyo ha...

(Babalik sa lamesa ang babae ang sisimulan ang pag-inom)

YOHAN: Tama na, okay lang yan.

(Magsisimulang umiyak ang babae)

YOHAN: Ewan ko ba. Pero sa tuwing may babaeng umiiyak sa harap ko, nalulungkot ako. Lalo na ngayon.

Wag ka na umiyak. Pero sana pakibalik ng panyo ko.

BABAE: Nakipag-break ako sa boyfiend ko, kahapon lang.

(Mawawalan ng malay ang babae)

YOHAN: Uy, gising. Gising na. Gising na tang na loob.

(Karga muli ni Yohan ang babae)

BANTAY: Aba iho, plastado na naman ang girlfriend mo.

(Ibababa ni Yohan sa kama ang babae)

YOHAN: Paano ngayon to?

(May kakatok)

BANTAY: Nakalimutan mo ulit mag-register.

YOHAN: Teka. Ah manong, may gamot kayo sa hang-over?

BANTAY: Wala. Sa botika meron.

(Babangon upang sumuka ang babae. Panonoorin ni Yohan magsuka ang babae at tila siy'y masusuka rin)

(Habang natutulog ang babae)

YOHAN: Nakita ko ng malapitan ang labi niya. Ang maputi niyang leeg. Pati na rin ang, pati na rin ang dibdib niya. Nakakatuwa siyang tingnan. Ang himbing niyang matulog. Hindi ko alam kung dala lang ng kabaitan o kayabangan pero habang pinagmamasdan ko siyang matulog, naisip ko na gusto ko siyang tulungan. Gusto kong gamutin ang matinding lungkot na nararamdaman niya.

(Kinaumagahan sa paggising ni Yohan, makikita niyang nasa sahig ang babae)

YOHAN: Maka-CR nga muna.

BABAE: (Magigising) Nauuhaw ako, pengeng tubig. Teka ba't nandito na naman ako?

YOHAN: Ano kasi, nalasing ka uli kagabi. (Ibibigay ang tubig) Sa yo yan. Tiningnan ko ang ID mo. Mas matanda pala ako sa yo ng isang taon eh. 24 ka pa lang kaya hindi mo dapat ako inuutos-utusan kundi...

BABAE: Kundi ano? Anong gagawin mo?

YOHAN: Wala.

BABAE: Paabot ng towel.

YOHAN: Towel? (Iaabot ang towel) Wag mo naman ako kausapin na parang utusan.

BABAE: E kung parang kaibigan?

YOHAN: Okay.

BABAE: Toothbrush.

YOHAN: Yan.

BABAE: Toothpaste.

YOHAN: Nandun sa loob ng CR.
Ibang klase ang nangyari sa amin. Tatlong araw pa lang kaming nagkakakilala pero parang dalawang beses na kami natulog sa motel. Nakakatawa (tatawa).

(Sa paaralan)

GURO: Jason Lee?

JASON: Present.

GURO: Millet Jet?

Millet: Present.

GURO: Robert Yang?

ROBERT: Yup.

GURO: Yohan Wu? (Walang sasagot) Absent ba siya?

YOHAN: Ah hindi sir, nandito ako. Present, present.

GURO: Dapat sasagot ka kaagad.

(Magtatawag pa ng ibang estudyante ang guro)

GURO: Ang tamang sagot 96. The brace is one of the legs of the right triangle. The side measures 104 inches is actually the hypotenuse. Don't be distracted with the orientation of the triangle. Always look at the right angle.

(Papasok ang babae)

BABAE: Good morning sir. (Uupo sa tabi ni Yohan)

GURO: Class, eyes on the board please. Gaya ng sinabi ko, always look for the right angle. Locate the hypotenuse and determine which sides are the legs. Then solve for B in the second leg. A squared plus B squared equals C squared. Substitute. Forty squared plus B squared is equal to 140 squared. 1600 plus B squared equals 10,816. B squared is equal to 9,216.

BABAE: Excuse me sir, pwedeng mag-break muna tayo?

GURO: Okay. Let's take a break. Five minutes guys.

BABAE: Tara.

YOHAN: San tayo pupunta? Hindi pa tapos ang klase ko.

BABAE: Nag-roll call na siya di ba? Tara na.

YOHAN: Hindi pwede. Hindi ko pwede ma-miss ang lecture ni sir. Kahit upakan mo ako.

BABAE: Bahala ka.

KAKLASE1: Lumabas na yung chic, tanungin mo na.

GRUPO: Para sino yun, sino yun? Ipakilala mo naman kami. Ang ganda...

YOHAN: Ang ganda pala ha. Kung pangit ang ugali ng babae walang kwenta ang ganda niya.

GURO: Yohan Wu.

YOHAN: Ah sir. Ako po yun sir.

GURO: You are excused. Hindi kita mamarkahang absent. You may go.

YOHAN: Ha?

GURO: Pwede ka nang umalis.

YOHAN: Ah, bakit po?

GURO: Girlfriend mo ying dumating kanina hindi ba?

KLASE: Yiheee

GURO: Sige na, punatahan mo na siya.

YOHAN: Anong sinabi mo sa kanya?

BABAE: Sabi ko buntis ako at ikaw ang ama.

(Sa parke)

YOHAN: mahilig siyang magsulat. Yun nga lang puro mga sinopsis pa lang ang natatapos niya.

BABAE: Basahin mo.

YOHAN: Ayoko.

BABAE: Gusto mo mamatay?

YOHAN: Isang action movie ang sinulat niya. Ililigtas ng bidang babae ang bidang lalaki.

(Cut to action clip)

YOHAN: Ba't hindi sila nag-kiss sa ending?

BABAE: Hindi pwede. Siguro kung drama to pwede pa.

YOHAN: Action? Siguradong hindi papatok yan. Ang mga kababayan natin mas mahilig sa drama.

BABAE: Bakit?

YOHAN: Hindi ba nung mga teenagers tayo may isang novel na i'm sure iniyakan natin noon. Yung Shower ni Wang Sung-Ho hindi ba. Nabago ang sensibility ng mga kababayan natin dahil sa sinulat niya. Shower ang dahilan kung bakit mahilig sa mga drama ang mga tao dito.

BABAE: Shower? Meron ba dung nakakaiyak?

YOHAN: Ano ka, hindi ba nakakaiyak yung hiniling niyang malibing habang suot ang damit ng minamahal niya? Hindi ako nakatulog ng isang linggo nun ha.

BABAE: Ang panget ng ending. Baguhin natin.

YOHAN: Baguhing paano?

(Cut to Shower scene)

(May magkasintahang naglalaro sa tabi ng ilog. Biglan bubuhos ang ulan. Susukob sila sa isang kubo.)

YOHAN:: Hintayin mo ako.

BABAE: Bilisan mo.

YOHAN: Ingat baka madapa ka. (Sa loob ng kubo) Basa rin siya o.

(Sa bahay ng lalaki nag-uusap ang mga magulang hinggil sa pagkamatay ng isang kakilala)

AMA: ...dahil sa kahirapan hindi naibili ng gamot ang kanilang anak. nag-iisang anak pa naman. Putol na ang kanilang angkan. Pero balita ko hindi pangkaraniwan ang batang yun. Kakaiba siya.

INA: Bakit daw?

AMA: Alam mo ang hiling niya? Pag namatay daw siya, gusto niyang malibing kasama ang matalik niyang kaibigan.

INA: Talaga?

AMA: Kahit buhay ililibing daw yung kaibigan niya.

INA: Susmaryosep naman.

AMA: Ay naku, sinabi mo pa. Ba't bumangon yan. Anak bakit?

INA: May problema ba?

(Sa libing. Pilit na inililibing ang lalaki kasama ng patay na kaibigan)

TAO: Ikaw ang kanyang kaibigan kaya kailangan kang sumama sa kanyang libing.

YOHAN: Huwag, hindi tama to. Huwag, maawa kayo. (Hahatawin ng pala sa ulo ang lalaki).

(Balik sa kasalukuyan)

BABAE: Isinama sa puntod ang kaibigan niya. Nakakaiyak hindi ba?

(Sa piyer)

BABAE: Masakit para sa akin. Hindi ko yata magagawang kalimutan siya. (Napukaw ng dagat ang atensyon) Gaano kaya to kalalim?

YOHAN: Hindi ko alam.

BABAE: Yohan, langoy ka naman please. Gusto ko malaman kung gaano kalalim.

YOHAN: Sus, wag kang ganyan ha.

(Itutulak ng babae si Yohan)

YOHAN: Whaaaaaahhhhhhh........ Saklolo, ah, tulungan mo ako. Saklolo...

BABAE: Wow, ok ah...

YOHAN: Saklolo... saklolo hindi ako marunong lumangoy.

BABAE: Malalim nga.

YOHAN: Marahil ito na ang katapusan ko.

(Sa isang inuman)

YOHAN: Ahhhh....

KAIBIGAN: Akala ko may girlfriend ka na. Ipakilala mo naman ako o. Sige na.

YOHAN: Seryoso ka ba?

KAIBIGAN: Oo, seryoso ako.

KAIBIGAN: Nagkasukatan na ba kayo ng girlfriend mo?

YOHAN: Girlfriend? (Tatawa)

KAIBIGAN: Ano ba... hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?

YOHAN: Aba naman pare...

KAIBIGAN: Ano nga? Maganda ba siya? Anong tinitingnan mo?

YOHAN: Nakita nyo yung babaeng dumaan kanina? Simula sa araw na ito, magigign akin na siya.

(Lalabas ng bar si Yohan at susundan ang babaeng nakita)

YOHAN: Ehem, miss excuse me. Hey babe, want to have a good time? I can....

BABAE: Ikaw?

YOHAN: Huh!

BABAE: Ano? Babe pala ha!

(Tatakbo palayo si Yohan)

BABAE: Hoy bumalik ka rito.

(Magtatago sa loob ng bar si Yohan)

BABAE: Asar.

YOHAN: Ang malas ko naman. Paano nangyari yon? Ang alam ko hindi sa lugar na ito ang punta niya eh.

BALITA: Napag-alamang isang sundalo ang tumakas mula sa 36th batallion ang tumakas o nag-AWOL. Nakapanayam namin kanina si Major Lee, head ng special action division ukol sa pagtakas na naganap kaninang madaling araw. Ayon kay Major Lee, mapanganib daw ang nasabing sundalo dahil sa bukod sa may dala itong armas, may hinala silang unstable ang pag-iisip ng naturang sundalo. Ang office of Internal Affairs ay maglalabas na lamang ng larawan ng nag-AWOL. Kung sino man sa inyo ang makakita o makatanggap ng impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan, mangyari po lamang na ipagbigay alam sa police station. Samantala sa iba pang mga balita magkakaron ng malaking pagdiriwang para sa pagkapanalo ng ating bansa sa Choral Festival sa Germany. Pangulo natin ang magiging panauhing pangdangal.

YOHAN: (Tutunog ang cellphone) Hello? Ang numerong inyong tinatawagan sa kasalukuyan ay posibleng walang natatanggap na signal. Mangyari po lamang na ulitin niyi ang inyong pagtawag. You called the wrong number, the dialled numberis not yet in service. Please call again.

(Nakatingin sa labas si Yohan at inaantabayanan ang Babae na palinga-linga sa paghahanap sa kanya)

YOHAN: Alis na, alis na. Sige na alis na. Alis na.
Tutal, ako ngayon ang lasing, babawian ko siya. Makikita niya. Lintek lang ang walang ganti. Kapag nakatulog ako pagdating ng Bupyong Station wala siyang magagawa. Ako naman ang papasanin niya. Tingnan ko lang kundi mabali ang likod niya.

(Makakatulog si Yohan sa tren. Nanakawan siya ng isang grupo ng mga kalalakihan. Magigising siyang siya na lamang ang tao sa loob ng tren)

BOSES: Para po sa ating mga pasahero meron po tayong paalala. Mag-ingat po tayo sa mga mandurukot. Susunod na po ang Bupyong Station. Next stop, Bupyong Station.

TAGALINIS:: Iho, gumising ka na. Gising. Ikaw na lang ang pasahero dito. Gising na.

YOHAN: Nasan na po ba ako?

(Sa Inch'on Station)

(Iinom ng kape habang naglalakad. Hihiga sa isang upuan at may maglalagay ng barya sa kanyang cup. Paggising niya'y iinom sa cup ngunit mabibilaukan sa barya. Tatawag sa tekepono pagkatapos ngunit walang pera. Magigising siya sa loob ng kulungan)

PRESO: Hoy, gising. Tumayo ka diyan.

YOHAN: Ano ba, wag ka ngang epal. Upakan kita diyan eh.

PRESO1: Ha, marunong ka nang sumagot ngayon ha. Tumayo ka diyan tungak.

(Magigising at magugulat)

YOHAN: Kumusta ho chief, sorry

PRESO1: Epal pala ha

YOHAN: Ah hello manager. Kayo pala ulit. Hi sir, okay lang kayo dito. Hi boss long time no see po boss ah.

PRESO1: Ano, gusto mo akong upukan? Ang angas ng bunganga mo ah. Hindi mo ba alam ang grupo namin ang kintatakutang gang. Gumulong ka sa sahig.

YOHAN: Ay sige po.

PRESO1: Tumayo ka. Upo. Tayo. Upo. Gulong sa kaliwa. Gulong sa kanan. Hangga't di ko sinasabi wag kang titigil.

MGA PRESO: (Magtatawanan)

PULIS: Tigilan niyo na yan ha.

PRESO2: Yes sir.

PULIS: Ano'ng sinasabi niyong gang? Mga tambay lang kayo ah. Umayos kayo diyan.

YOHAN: Ano yun sir? Hindi sila mga gang members? Tambay lang ang mga to? Anak ng...
(Lalayo sa isang tabi ang mga preso)

PRESO1: Sarap magluto ang asawa ko...

PRESO2: Bata, gusto mo kumain?

YOHAN: Busog ako.

PRESO3: Ito o, mainit pa o. Sige na.

YOHAN: Ayoko...

PRESO4: Wag ka nga ganyan. Kami na nga nagmamagandang loob.

PRESO5: Hayaan niyo kung ayaw...

PRESO6: Kain na, halika na...

YOHAN: Sabi nang ayoko (magwawala). Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong ayokong kumain. Mahirap ba yung intindihin, ayokong kumain. Ayoko, ayoko. Tigilin niyo na ako. Sawang sawa na ako sa mga pang-iinsulto ninyo. Hindi niyo ako laruan. Mga pare-parehas kayong talipandas, ang kakapal ng mga mukha ninyo. (Iiyak) Ang sakit.

PULIS: Akin na sarge, akin papers niya.

BABAE: Magandang umaga.

PRESO2: Ang we-weird nitong mga to ah.

PULIS: Hindi ba kayo tatahimik?

YOHAN: Maraming salamat ha.

(Susuntukin ng babae si Yohan)

BABAE: Pag inulit mo pa yung ginawa mo, patay ka sa akin. Ano ha, tinawag mo pa akong babe ha. Tinaguan mo pa ako sa telepono. Akala mo ba hindi ko makikilala ang boses mo? Magtapat ka...

YOHAN: Ahhhhhhhh........

(Sa restoran)

YOHAN: Ahh, ang init.

BABAE: Masarap ba?

YOHAN: Oo, ang sarap sarap nito. Tuwing umaga, inuupakan ako ni mama kapag gamit ang bagay na hawak niya ng mga oras na yun. Pag inabutan ko siyang nagwawalis may latay ako ng walis tingting, pag naglilinis yun vacuum naman. Pag sinusuwerte talong o kaya pipino lang ang lalapat sa katawan ko. Kaya dapat taymingan ko ang pag-uwi.

(Makikitang nagpukpok ang ina)

TATAY: (Biglang bubuksan ang pinto) Anak, wag kang titingin ng porno diyan ha.

YOHAN: Si papa, hindi ko ho gagawin yun. Wala ba kayong tiwala sa akin?

TATAY: Siyempre meron. Matulog ka na pagkatapos mo diyan ha. Sige na.

YOHAN: Sige pa, goodnight.

(Biglang magbubukas ng porn sa net ngunit lalabas naman ang isang email galing sa babae)

BABAE: Hi Yohan. Birthday ko na in two days. Patay ka sa akin pag kinalimutan mo. Tandaan mo ang birthday ko ha. At dahil gusto kitang makasama sa birthday ko, dapat mapangiti mo ako ng ganito. Nakuha mo?

YOHAN: Nakuha ko. Malapit na'ng bithdy niya. Pag wala akong hinanda siguradong patay ako sa kanya. Ah, may naisip na akong magandang sorpresa. Bago ako bag-serve sa military, nagtrabaho muna ako sa isang theme park. So ito ang plano.

(Ipapakita ang mangyayari)

Pagdating ng alas-dose. Kaming dalawa na lang tao. Madilim. Wala kaming makikita. Tapos isa-isa kong pasisindihan ang mga ilaw sa paligid namin hanggang sa mabuksan ko ang ilaw sa merry go round. Pag bukas na saka magsisimula yung happy birthday song. Kasabay nung kanta, magpapalagay din ako ng fireworks sa background. Ang bangis ko hindi ba? Sa sobrang tuwa, siguradong yayakapin niya ako ng husto. Ayos, matalino ako eh. (Tatawa) Binigyan ko ng 200,000 Won yung kaibigan ko sa theme park para i-set up yung plano.

(Sa theme park)

YOHAN: Oo kailangan eh. Matagal ko nang gustong gawin to ng walang tao.

BABAE: Hoy Yohan hindi mo birthday ha, birthday ko.

YOHAN: Pagbigyan mo na ako. Alam ko na, ako muna ang aakyat sa kabila, ok?

(Bababa mula sa pader si Yohan)

YOHAN: Ayan ayos. (Habang tinatapakan ang isang sundalo) Okay lang may tapakan dito hindi ka mahihirapan. Abutin mo kamay ko... teka teka, aray aray... (mahuhulog) ah, kakaasar...

(Tututukan ng baril si Yohan)

BABAE: Yohan. Yohan hoy. Sumagot ka. Iwan na kita. Sige alis na ako. Ano ba, sumagot ka naman. Yohan. Patay ka sa akin pag inabutan kita ha. Sige. (Liliban rin ang babae) Andyan ka pala eh, ba't hindi ka sumasagot ha, nang-aasar ka ba?

SUNDALO: Sumama kayo sa akin.
(Magdaratingan ang trak ng mga militar)

SUNDALO: Pumasok kayo diyan. Bilis. (Sisigaw si Yohan) Tumahimik ka. Kayong dalawa, papatayin ko kayo, naintindihan niyo?
(Titingnan ng babae ang baril ng sundalo)

BABAE: Nakakamatay ba yan?

SUNDALO: (Itututok ang baril sa babae) Subukan mo. Gusto mo?

BABAE: Wag na.

SUNDALO: (Kay Yohan) Kaano-ano mo siya?

YOHAN: Ano lang, ano,, mgkaibigan lang po.

SUNDALO: Kung magkaibigan lang kayo, ba't andito kayo ng alanganing oras? Ano'ng balak niyong gawin ha?

YOHAN: Balak naming mamasyal sandali dito.

SUNDALO: Yung totoo. Gusto mo masaktan?

YOHAN: Wala. Napadaan lang kami dito.

SUNDALO: Nang-aano ka eh. (Sa babae) Wag mo sabihing nagtitiwala ka sa mga ganyang lalaki.

BABAE: Tiwala ako sa sarili ko.

SUNDALO: Nagka-girlfriend din ako. Linggo-linggo binibisita niya ako sa baraks namin. Ang saya-saya ko nun. Kaya lang nagtaksil siya sa akin. Ipinagpalit na pala ako ng babaeng yun sa sarhento namin. Nalaman ko na lang, nung ma-discharge yung hayop na sarhentong yun nagatanan sila. Marami pa. Hindi lang yan. Pati yung inalagaan kong aso sa kampo namin tumakas na at sumama sa ibang askal. Bitch. Pareho sila. Lumabas ako para hantingin sila. Para patayin. Dalawang buhay na minahal ko pareho nila akong pinagtaksilan at iniwan. Hindi ko na kaya. Alam niyo ba kung anong espesyal sa araw na ito? Ha? Hindi niyo alam? Ito ang araw ng aking kamatayan.


(Ipapasok ang bibig ng baril sa bibig)

BABAE: Yohan, gising ba tayo? Ptrang hindi nangyayari to sa totoong buhay eh.

YOHAN: Gising tayo.

BABAE: Narinig ko na kapag binaril mo ang sarili mo sa bibig...

YOHAN: Oo ano. Mga ganito kalaki sa ulo pag ginawa mo yun (imumuwestra ng kamay).

BABAE: Ang laki pala.

YOHAN: Dito sa batok ang...

BABAE: Di ba maliit lang ang bala?

YOHAN: Pero pag pumasok yun sa ulo mo, sabog lahat ang...

SUNDALO: Ano ba? Hindi niyo ba titigilan yan? Ha, ha! Hindi kayo nakakatuwa eh. Wala akong kwenta. Hindi na ako mahalaga. Talagang binabalewala niyo ako.

BABAE: Halata ba? Tigilan mo na yang kalokohan mo.

SUNDALO: Anong kalokohan? Nagkakamali ka.

BABAE: Kahit ano'ng gawin mo, hindi na siya babalik sa yo.

SUNDALO: Oo, alam ko. Tanggap ko yun. Pero sigurado, pag namatay ako masasaktan siya at dadamdamin niya yun ng husto. Hindi na babalik sa dati ang buhay niya.

BABAE: Hindi totoo yan. Nawawala rin ang sakit pagdating ng panahon.

SUNDALO: Nangyari na rin sa yo dati?

BABAE: Oo. Ganun ang mangyayari sa yo.

SUNDALO: Pag nahuli ako deretso ako sa bartolina. Lalo ko siyang maaalala.

BABAE: Ano'ng bartolina?

YOHAN: Kulungan na walang bintana.

SUNDALO: Umeeksena ka pa eh.

YOHAN: Ah sorry, sorry.

BABAE: Kahit anong mangyari wala kang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili mo lang.

YOHAN: Ah sir, may suggestion ako. Kung pakawalan na lang po natin siya.

SUNDALO: E kung ayoko?

YOHAN: E di ako na lang ang pakawalan niyo.

SUNDALO: Alam mo, ngayong tinitingnan kita parang pareho kayo ng kilay ng sarhentong yun. Pareho kayo kung kumilos. (Sa babae) Sige na, umalis ka na miss. (Kay Yohan) Maiwan ka dito. Sabay tayong mamamatay. Humanda ka.. Sige na miss, iwan mo na tong lalaking to. Humanap ka na lang ng iba. Yung bagay sa yo. Alis na.

BABAE: Sabay sabay na tayo. Sumuko ka na.

SUNDALO: (Itututok ang baril kay Yohan) Ano'ng gusto mo patayin ko siya? Alis na.

BABAE: Yohan, wag ka masyado mag-alala. Hindi siya masamang tao, hindi ka niya sasaktan. Makakaligtas ka.

YOHAN: Teka, teka, ibig mo sabihin iiwan mo ako dito mag-isa.

BABAE: Yan ang gusto niya eh.

(Hahagulgol si Yohan)

SUNDALO: Takot ako mamatay mag-isa, dapat kasama kita.

BOSES: Negative sir. Babae yung lumabas. Siguradong may iba pa siyang hawak na hostage. I-retrieve niyo na yung hostage.

YOHAN: Ah, ah meron akong naisip. Dun sa likod merong daanan?

SUNDALO: Paano mo alam?

YOHAN: Dati po kasi akong nagtatrabaho dito.

SUNDALO: Totoo? Wag mo akong lolokohin. Mauna ka.

(Makakalabas ang dalawa)

YOHAN: Kita mo na, sabi sa yo eh. Aray...

MGA SUNDALO: Humanda kayo, stay alert. Armado siya. delikado.

(Biglang iilaw ang mga poste)

MGA SUNDALO: Hoy! Ayun sila o.

SUNDALO: Takbo na, bilisan mo.

BOSES: Positive, na-identify na namin ang suspect. Kasama niya yung hostage. Do not open fire.

SUNDALO: Wag kayo magpapaputok.

(Maririnig ang putok ng mga baril)

KAIBIGAN NI YOHAN: Ano'ng nangyayri dun? Si Yohan yun ah.

SUNDALO: Wag kayong lalapit, hangang diyan na lang. Papatayin ko siya. Pag lumapit kayo papatayin ko siya.

(May magpapaputok)

YOHAN: Ahhh, wag kayong lalapit.

OFFICER: Palipatin nyo yung mga snipers.

MILITARY: Right away sir.

SUNDALO: Yung nagtaksil sa akin, papuntahin niyo rito. Para makita niya kung paano ako mamatay. Binibigyan ko kayo ng isang oras. Gawin niyo na, sige na. Kung hindi papatayin ko to. Pati ako magpapakamatay. Naintindihan niyo?

YOHAN: Bilisan niyo ano ba!

OFFICER: Sniper 2 come in. Kaya mong patamaan sa posisyon mo?

SNIPER2: Delikado ang hostage pero pwede pa rin.

(May magpapaputok)

BABAE: Wag, wag kayo magpapaputok!

OFFICER: Hold your fire.

BABAE: Sandali wag kayo magpapaputok.

OFFICER: Kausap ng hostage ang suspect. I-monitor niyo kung ano'ng sinasabi.

BABAE: Makinig ka muna pwede? Please naman. Sabi mo iniwan ka ng girlfriend mo. Talaga bang mahal mo siya? Itanong mo sa sarilli mo yan. Palagay ko hindi mo siya mahal. Dahil kung talagang mahal mo siya, hahayaan mo na siyang mawala sa yo. Kung hindi mo magagawa yon, hindi pagmamahal ang nararamdaman mo. Ano'ng masama kung magpapakasal sa iba ang taong hindi mo minamahal. Tigilan mo na to. Magpaka-lalaki ka't harapin ang ginawa mo. Marami tayong dapat matutunan kung ano'ng tunay na pagmamahal. At kung gusto natin yung malaman, kailangan nating magpatuloy sa buhay.

SUNDALO: Tama siya, napakabuti niya sa lahat. Ikaw, Wag mo siyang pakawalan. Maliwanag?

YOHAN: Oo.

SUNDALO: Pag pinakawalan mo siya kukunin ko siya sa yo.

YOHAN: Pwede nang umalis?

SUNDALO: Sige na.

MGA SUNDALO: Ayun na yung signal.

(Patuloy pa rin sa pag-iyak ang sundalo at huhulihin na ito ng mga sundalo. Bigla namang magkakron ng fireworks)

OFFICER: Ligtas na yung hostage. Successful ang operation. Okay boys, let's move out.

SUNDALO: (Habang papaalis) Salamat, ngayon ang birthday ko talaga. Aalamin ko ang tunay na pagmamahal, pangako yan.

BABAE: Ano? Sabi mo magkaibigan lang tayo?

YOHAN: Ah, hindi ah. Sinabi ko lang yun para iligtas ka.

(Susuntukin ng babae si Yohan)

BABAE: Balak mo pa akong iwan dun. Gusto mo ikaw ang pakawalan niya.

YOHAN: E ayaw ka niyang pakawalan nung una e di sabi ko ako na lang para, para...

BABAE: Sinungaling, sinungaling, sinungaling... Mula ngayon mag-isa ka na lang.

YOHAN: Alam ko namang pumalpak ako sa birthday niya. Pero ang sarap ng pakiramdam ko pagkatapos kasi proud akong makasama siya. Sa maniwala kayo't sa hindi, nasunod din ang mga pinalano ko. Kahit may konting kapalpakan. Nagdududa kayo noh. Antay lang ha.

IKALAWANG BAHAGI

(Sa lob ng isang restaurant)

WAITER: Natatandaan ko po siya. Pumupunta siya dito noon lagi siyng may kasama hanggang mga isang taon? Hindi ko nga po maalala kung last spring ba yun o last autumn. Pero isang araw pumunta siya dito ng nag-iisa at humingi sa akin ng pabor. Kung pwede daw kahit sa araw na yun lang, wag kaming magpapa-upo sa silyang madalas upuan ng kasama niya.

BABAE: Ano'ng balita?

YOHAN: O hi.

BABAE: Hmm, ang aga mo ah.

YOHAN: Ah paano kasi galing lang ako diyan sa malapit.

BABAE: Hindi mo ako na-miss?

YOHAN: Na-miss.
Pag magkasama kami, pinipilit niyang ipakita na mukha siyang masaya. Sabagay gusto ko siyang maging masaya.

WAITER: Anong order niyo sir?

YOHAN: Ice tea please.

BABAE: Gusto mo mamatay? Magkape ka. Two coffees please.

YOHAN: Hehe...
Kilala ko na siya. Sa labas masaya ang ipinapakita niya, epro sa loob punong puno siya ng kalungkutan.

BABAE: Mukha kang timang.

YOHAN: Ah, wala

(Ilalabas ng babae ang isang sinopsis ng kwento)

BABAE: Exciting yan.

YOHAN: Nanaman?

BABAE: Bakit? Ayaw mo?

YOHAN: Alam ko madi-disappoint siya pero para sa kapakanan niya kailangan ko nang sabihin sa kanya ang totoo.
Mukhang maganda ah. Babasahin ko na.

(Matatawa ang babae)

YOHAN: Ngayon naman, martial arts film ang tema.

(Cut to martial arts film)

YOHAN: Ang papel ng bidang babae sa pelikula ay isang bounty hunter. Yung kontrabida naman, wala sa ayos. Nagsusuot ng rain slippers kahit na tirik ang araw. Isang kriminal na wanted sa maraming lugar. Nagkagulo-gulo yung history sa setting. Nangyari yung kwento nung lumusob yung mga hapon sa panahon ni King Sejong. Ang labo nun. Tapos ang tatay nung hari ay yung tyrant na si King Leong Sa. Basta ang ending, kinalaban ng bidang babae yung kontrabida. Malakas ang buhos ng ulan pero umaaraw.

(Fighting scene)

YOHAN: Yung bidang babae na angn naging hari. Nakilala siya bilang si King Jong Yu. Tapos ganun na naman, galing sa future yung babae.

BABAE: Exciting hindi ba?

YOHAN: Tanong ko lang ha. Bakit yung bidang babae laging galinng sa future?

BABAE: Sa future kasi sobrang advanced na ang science. Naimbento na nila ang time machine. Pag gusto nila mag-travel nagpupunta sila sa nakaraang panahon. Anong malay natin, baka may mga tao ditong galing din sa hinaharap. Yung mg a sinasabi nilang UFO. Palagay ko mga time machine yun talaga. Balang araw, may makilala ako from the future, sa hinaharap.

YOHAN: Tapos pag may nakilala ka, sabihin mo isama ka na ha.

BABAE: Ano?

YOHAN: Hinde joke lang.

BABAE: Favor, pakibigay ito sa Shin Cine. Ang gusto kong cast, si Han Suk Kyu at Shin Yun Ha, bida sa Tell Me Something. Si Jang Dong Ryun pwede na rin.

(Sa Shin Cine)

YOHAN: Hello po. Nag-usap lang tayo kanina sa phone. Eto ho yung script, The warrior's sad love story. (Tatakbo palabas matapos iabot ang script) Mula nung pumunta ako sa Shin Cine para ibigay yung script, hindi na sila tumawag.

(Sa loob ng tren)

(May isang batang nagdodrowing sa sahig ng tren)

BABAE: Hoy, mukha bang coloring book mo tong tren? Wag mo sulatan ang sahig. Papatulan kita.

PASAHERO: Lipstick ko to ah.

YOHAN: Palagi ko siyang hinahatid kahit hanggang sa Bupyong Station lang. Yan ang gawaing hindi dapat mawala sa ating mga lalaki. Habang nasa daan naglalaro kami para naman masaya.

BABAE: Pag ka kaliwang paa ang tumapak pagkalagpas sa linya panalo ako.

YOHAN: Ano'ng parusa?

BABAE: Ano kayang pwede?

YOHAN: E kung kiss na lang?

BABAE: Anong kiss?

YOHAN: Wag mo namang ilakas.

BABAE: Gusto mo mamatay?

YOHAN: Hindi. Ikaw mag-decide.

BABAE: Pitikan na lang.

YOHAN: Ha? Pitikan na naman?

BABAE: Bakit, pwede mo rin naman ako pitikin ah.

YOHAN: Okay call. May parating. Kanan, kanan.

(Tatapak ang kanan pagkalagpas ng linya at pipitikin sa noo ang babae)

BABAE: Alam mo sa tingin ko hindi yun patas. Babae ako hindi ba? Sampal na lang sa akin.

YOHAN: Ano ka? E di sasampal na rin ako.

BABAE: Pero babae naman ako eh.

YOHAN: Pantay lang ang babae't lalaki.

BABAE: O sige ba. Ipareho natin. Matatalo sasampalin. Wag mo hinaan, pag hininaan mo uupakan kita. Laksan mo ang pagsampal mo sa akin ha. Pag hindi mo nilakasan patay ka talaga sa akin.

YOHAN: O sige na nga, pitik sa akin. Sa yo sampal.

BABAE: Dapat lang. Hindi patas yung kanina eh. (May dadaan) O, o (sasampalin si Yohan) nakita mo kaliwa ang ginamit o. Kaliwang paa ang ginamit niya. Kaliwa.

YOHAN: Nakapikit ako eh at saka dun siya nanggaling. Ang alam ko counted lang yung mga nanggaling dito sa kabila.

BABAE: Tumahimik ka may paparating na ayan na.

YOHAN: Akala mo ha...

BABAE: Okay.

(May mga militar na mag-mamartsa)

LEADER: Kaliwa, kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa...

YOHAN: Siguradong kanan yan.

LEADER: Kaliwa, kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa. Palit-hakbang na. Kaliwa, kaliwa, kaliwa, kanan, kaliwa...

YOHAN: Ah, uy, pwedeng ulitan?

BABAE: Ready ka na? Okay humarap ka sa akin. (Sasampalin si Yohan ng maraming beses) Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.
Kapag kasama ko siya, hindi ko alam ang magiging takbo ng mga pangyayari sa araw na yon.

(Sa loob ng Squash Gym)

BABAE: O bakit? Ano'ng tinitingin tingin mo?

YOHAN: Hmm

(Maglalaro ang dalawa ng Squash ngunit palaging tatamaan sa mukha si Yohan)

YOHAN: Nakaka-asar namin eh. Ayoko na, ayoko na.

BABAE: Wag mo kasing gamiting raketa yang mukha mo.

YOHAN: Bakit kaya paboritong landingan ng bola ang pagmumukha ko? Nakakapagtaka.
Sa kahit na anong laban, ayokong ako ang lumabas na talunan. Kaya't hindi ako tumitigil hangga't hindi ako ang nananalo.

(Sa paaralan, hinihintay ng babae si Yohan)

YOHAN: Kanina ka pa ba?

BABAE: Hindi naman. Sandali lang. Si mama kasi, binilhan nga ako ng sapatos ng taas taas naman ng takong. Ang sakittuloy ng paa ko.

YOHAN: Gusto mong foot massage?

BABAE: Hindi wag na, salamat. Magpalit na lang tayo ng sapatos. Bakit ayaw mo ba?

YOHAN: Paano namang masusuot ng lalaki yan?

BABAE: Kasya naman sa yo eh.

YOHAN: Hindi pwede.

BABAE: Ganun ba? (Lalakad palayo)

YOHAN: Ha, teka. Uy, wag ka umalis. Ibibili na lang kita ng sneakers kung usto mo.

BABAE: Wag na.

YOHAN: O sige ganito na lang. Isuot mo rubber shoes ko, bibitbitin ko na lang yang sapatos mo.

BABAE: Hindi mo kasi naiintindihan.

YOHAN: O sige na, sige na, sige na, palit tayo ng sapatos.

BABAE: Talaga?

(Maglalakad si Yohan suot ang high heels ng babae)

BABAE: May sikreto ako. Gusto mong malaman?

YOHAN: Ano yun?

BABAE: Alam mo, pag meron akong exam hindi ako nagsusuot ng underwear. E kanina, meron akong exam. (Tatakbo) Honey habulin mo ako. Habol na. Pag hindi mo ako hinabol patay ka sa kin.

YOHAN: Ha

BABAE: Habulin mo ako honey.

YOHAN: Wag mo bilisan. Teka muna... Ano ba tong ginagawa ko, nakakahiya.

(Bubuhos ang ulan)

YOHAN: Isang iglap lang yun pero may naramdaman akong pagmamahal sa kanyang mga mata.

BABAE: Yan ang bahay namin. Ikukuha kita ng payong.

YOHAN: Hindi wag na. Basa na naman ako eh.

(Maririnig ni Yohan na nag-aaway ang mama ng babae at ang babae)

MAMA: Bakit hindi mo siya sinipot? At sinong kasama mo yung lalaking bobo na batugan pa.

BABAE: Kahit sino pang kasama ko wala kayong pakialam.

MAMA: Bakit ka ba nagkakaganyan?

BABAE: Buhay ko to, pabayaan nyo nga ako.

(Lalabas ng bahay ang babae)

(Sa loob ng library)

YOHAN: Pagkatapos nun, matagal bago ko ulit narinig ang boses niya.

(Tutunog ang cellphone) Hello.

 BABAE: Yohan ako to. Na-miss mo na ba ako?

YOHAN: Ang saya ng boses niya parang walang masamang nangyari.

BABAE: Okay lang. Malapit na yung 100th day anniversary natin.

YOHAN: Talaga? Naka-100 days na tayo?

BABAE: Para sa yo, kelan nagiging seksi ang isang babae?

YOHAN: E di kapag naka-hubo't hunad. Dun siya nagiging sexy (tatawa).

BABAE: Sige asan ka ngayon, pupuntahan kita.

YOHAN: Ay hindi, niloloko lang kita. Nagbibiro lang naman ako eh. Para sa akin, pag tumutugtog ng piano ang isang babae dun siya nagiging super sexy.

BABAE: Ano ang favorite mong music?

YOHAN: Favorite ko yung nasa December n album ni George Winston. Yun yung (kakanta) ta-rara-rara...

BABAE: Ah yung Pachelbel's canon.

YOHAN: Oo. Yun na nga yon.

BABAE: Ako hindi mo ba ako tatanungin?

YOHAN: Ah, para sa yo kailan nagiging seksi ang isang lalaki?

BABAE: Basta bigyan mo lang ako ng isang rose, seksi na sa akin yun. Okay pa ba yung high school uniform mo?

YOHAN: Oo, bakit?

BABAE: Dalhin mo pag nagkita tayo sa anniversary natin ha. Tapos bigyan mo ako ng isang rose habang nasa classroom...

YOHAN: Ha ano? Ano yun? Ako mismo? Sandali paano ko magagawa yun may klase pa ako. Teka, teka, wag mo ako babaan ng telepono. Ano ba? Nakakaasar naman eh.

(Magkakagulo sa loob ng library dahil sa ingay ni Yohan)

(Sa bahay ni Yohan, habang nagsusuot ng costume na pang-delivery boy)

YOHAN: Ayokong mapahiya sa loob ng isang women's university. Mas lalo namang ayokong magpatalo sa kanya. Hingi lang halata sa hitsura ko pero mahirap ako mautakan.

(Sa loob ng women's university)

Ang hilig talaga ng mga babae dito sa Chinese food hindi naman nagbibigay ng tip.

GUARD: Hoy sandali. San mo dadalhin yan ha? Lika nga.

YOHAN: Dun po sa loob, may nagpa-deliver nitong Chinese food.

GUARD: Ako'ng nag-order niyan eh. Dalhin mo yan dito.

YOHAN: Talaga? Hindi nga.

GUARD: Dinagdagan niyo ba ng labanos?

YOHAN: Ah, teka sir may nakalimutan nga pala ako (tatakbo papasok sa university)

GUARD: Hoy, hindi diyan ang daan palabas. Akin na muna ang pagkain ko.

YOHAN: Para sa ibang customer to.

GUARD: Hoy!

(Sa loob ng university. Papasok si Yohan sa classroom na puno ng kababaihan at siya'y pagtitinginan. Maya-maya pa'y tutugtog ng piano ang babae. Dahan dahang lalapit sa entablado si Yohan upang iabot ang rosas)

(Pachelbel's Canon playing)

(Iikot ang kamera sa kanilang dalawa habang nagpapalakpakan ang mga tagapanood)

YOHAN: Pero para sa kanya kulang pa rin yung ginawa namin. Para makumpleto, binalikan namin yung mga araw na nasa high school pa kami.

(Sa loob ng disco house)

(Disco scene)

YOHAN: Magmula ng pumunta kami sa club na yon, isang school party na ang ginagawa nila every month.

(Sa kalsada)

TINDERO: Lights out, lights out. Ten percent discount sa lahat ng mga drinks.

YOHAN: Yun nga lang bagsak na naman siya sa kalasingan.

TINDERO: Uy mga bagets, kelangan niyo to. Condom, upang maiwasan ang pagkalat ng AIDS.

YOHAN: Ha? Hinde-de-de, kulit mo ah.

TINDERO: Lights out, lights out. Ten percent discount sa lahat ng mga drinks.

YOHAN: Taxi!
Sa tingin ko, masaya na ngayon ang napapanaginipan niya. Kung ikukumpara noong una ko siyang tiningnan mabuti noon sa motel, malaki na ang pinagbago niya. Hindi kaya wala na ang sakit na nararamdaman niya. Baka, baka ibig sabihin nun hindi na niya ako kailangan sa buhay niya.
Mamang driver, pwede niyo ho bang bagalan ang pagmamaneho?

(Sa bahay ng babae. Kausap ni Yohan ang mga magulang ng babae)

PAPA: Ikaw naman.

YOHAN: Ah, sige po. (Tatagayan si Yohan ng papa ng babae) Thank you po.

PAPA: Akin na (kukunin ang tagayan). Pag-gradweyt mo ano ang plano mong gawin?

YOHAN: Ah, actually hindi ko pa po naiisip yung bagay na yan.

PAPA: Yung bulsa mo pwede ko bang makita kung ano ang nilalaman?

YOHAN: Ha, sige po (ilalabas ang laman ng bulsa).

MAMA: Tingnan mo meron siyang dalang condom.

PAPA: (Sinisipat ang condom) Para san to? Bakit ka meron nito sa bulsa?

YOHAN: Ah yan? Para maiwasan ang pagkalat ng AIDS. Yun po ang natutunan ko. Pero hindi ko pa po nagagamit yan. Ah, nang ano pauwi na kami dito ah...

PAPA: Di bale na. (Sinisipat ang lighter) Da-chick-sen, anong ibig sabihin non ha?

YOHAN: Ah, chick-sen, ah, ah yon. Wala sir, ano lang po siya. Chicken soup restaurant.

PAPA: (Binabasa pa rin ang lighter) We will satisfy your wishes.

YOHAN: Ah, ano po kasi masa-satisfy daw po kayo sa luto nila dun. Yun lang po yun.

MAMA: (Sa asawa) Sabihin mo na.

PAPA: Ano bang intensyon mo sa anak ko?

YOHAN: Ah, ah sir, sa ngayon, ano, magkaibigan lang kaming dalawa. Kaya wag ho kayong mag-alala. Kung sakaling mabago ho ang relasyon namin, kayo ho ang unang makakaalam.

PAPA: Wag ka na magpapakita sa kanya. (Mawawalan ng malay ang papa)

YOHAN: Pagkatapos ng gabing yon, hindi na siya tumawag. Biglaan nga lang. Pero ganun ang nangyari kung paano kami nag-break. Teka kung break na kami, ibig sabihin libre na ako.

(Sa loob ng isang bar habang may ka-date si Yohan. Tutunog ang cellphohe. Tumatawag ang babae)

BABAE: Ako to. Pumunta k sa coffee shop ng mga 7 o'clock.

YOHAN: Ha? Bakit?

BABAE: Anong bakit? Meron akong ka-blind date ngayon. Dapat nandun ka na in 45 minutes.

YOHAN: Papaano yan, meron din akong ka-blind date na... (ibababa ng babae ang cellphone).

(Ngingitian ni Yohan ang ka-date at darating ang maraming bote ng beer na ikagugulat ni Yohan)

(Tutunog ang cellphone ni Yohan)

BABAE: Papunta ka na ba?

YOHAN: May kasama akong babae ngayon, ano ka ba?

BABAE: Bilisan mo. (Ibababa)

(Makalipas ang ilang sandali ay magtatawanan na sina Yohan at ka-date)

DATE: (Tumatawa) Hahaha, sinabi mo pa!

YOHAN: Nabuko.

DATE: Sandali ha, magsi-CR muna ako.

YOHAN: Sandali ha, magsi-CR muna ako. (Tatawa) Ako din.

(Sa loob ng CR. Makikita ni Yohan na umiihi ng nakatayo ang ka-date.)

YOHAN: Hay patawa. (Magugulat matapos makita ang ka-date sa CR ng lalaki. Iiyak)

(Sa isang restaurant. Magkasama ang babae at ang ka-blind date)

DATE: Yun nga rin ang nasa-isip ko kanina. (Tatawa)

(Darating si Yohan)

YOHAN: Good evening.

DATE: I'm Sa Mun Ja, nice to meet you.

YOHAN: Hi. Kumusta.

DATE: Upo ka.

BABAE: Sabi mo kanina, may kasama kang babae.

YOHAN: Hindi. Lalaki kasama ko.

WAITER: May I take your order sir?

YOHAN: Coffee please.

BABAE: Pwede kang mag-ice tea.

YOHAN: Gusto ko uminom ng kape. Yun na.

DATE: Alam mo Yohan, ang swerte-swerte mo. Marami akong nalaman tunngkol sa yo. Very close daw kayong magkaibigan.

YOHAN: Ah, kaibigan...

BABAE: Pupunta lang akong CR.

(Pagbalik ng babae, wala na si Yohan)

BABAE: Asan si Yohan?

DATE: Umalis na siya. Alam mo bago siya umalis may sinabi siyang ten rules to follow. Magaling ang memory ko. Gusto mo i-recite ko. Ah, unang una wag mong hingin sa kanya maging mahinhin. Ikalawa, wag mo siya hahayaang uminom ng marami (Magapalit na nagsasalita. Magiging si Yohan)...

YOHAN: ...hanggang tatlong baso lang baka may upakan siya eh. Sa isang coffee shop, wag kang oorder ng iced tea or juice, mag coffee ka. Pag sinapak ka niya, umarte kang parang nasaktan. Pag nasaktan ka umarteng kang parang hindi. Sa 100th day anniversary niyo, dalhan mo siya ng isang rose habang nasa klase siya. Magugustuhan niya yun. Siguraduhin mong matuto kang mag-Kendo at mag-Squash. Dapat handa ka rin makulong paminsan-minsan. Pag sinabi niyang patay ka sa akin, wag mong babalewalain. Mabuti yun para sa yo. Pag masakit na ang mga paa niya, makipagalit ka ng mga sapatos sa kanya. At panghuli, writer siya, kaya mahilig siyang magsulat. Sana suporthaan mo siya.

(Hahabulin ng babae si Yohan. Makakaratig sa train station. Papasok sa paging booth ang babae at isisigaw ang pangalan ni Yohan)

PERSONNEL: Anong pangalan niya?

BABAE: Yohan. Pwede pong ako na lang. Yohan, asan ka na ba? Kung saan saan na kita hinanap. Yohan, diyan tayo magkita sa baba ng escalator okay? Hihintayin kita. Patay ka sa akin pag wala ka dun. Bilisan mo.

(Darating sa loob ng boooth si Yohan)

BABAE: Bakit mo ako niyakap? (Susuntukin si Yohan) Sira ka talaga ba't hindi mo iniligan?

(Sa labas ng bahay ng babae)

YOHAN: Minsan pakiramdam ko kilalang kilala ko na siya. Minsan naman hindi. Dumating na kami sa point na kailangan na naming mamimili ng tatahakin naming daan.

BABAE: Sige ha.

YOHAN: Ano nang mangyayari sa aming dalawa? May pag-asa kayang maging panghabambuhay ang ganitong relasyon?

(Hahalikan sana ni Yohan ang babae ngunit mapipindot ang doorbell)

PAPA: Sino yan?

BABAE: Andito na ako pa.

(Bubukas ang gate at papasok na ang babae)

(Sa bahay ni Yohan)

YOHAN: Ang sabi niya gumawa ako ng sulat at dalhin ko pag nagkita kami. kailangan daw nakasulat kamay sa papel. PInilit kong buuin ang mga salitang makakapagsabi sa tunay kong nararamdaman. Nung una ko siyang makilala. Wala akong ibang ginusto kundi ang alisin ang lungkot na nasa puso niya. Ngayon siya naman ang hindi ko kayang alisin sa puso ko. Iniisip ko sana mabigyan kami ng pagkakataong maging seryoso ang relasyong ito. Inilagay ko sa sulat ang lahat ng hindi ko kayang sabihin sa kanya. Siguro ganun din ang ginagawa niya sa ngayon. Pakiramdam ko isa itong paghahanda sa nalalapit naming paghihiwalay.

(Sa bundok)

BABAE: Yohan, nakikita ko ba yung tuktok ng bundok na yon?

YOHAN: Oo.

BABAE: Pwede kaya akong marinig ng kung may tao dun sa taas?

YOHAN: Siguro pwede. Teka ha. Malamang hindi. Ang layo pala eh.

BABAE: Subukan mo ngang dun ka, tapos sisigaw ako ng malakas. Pag narinig mo sumagot ka.

YOHAN: Panong? Gumusto mong pumunta ako dun sa kabilang bundok?

BABAE: Oo.

(Nasa kabilang bundok na si Yohan)

BABAE: Yohan, naririnig mo ba ako? Yohan, I'm sorry. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya. Yohan... I'm sorry. I'm sorry. Dahil hindi ko pa pala kaya. Akala ko naiiba ako sa lahat. Pero wala pa rin pala ako magawa. Yohan... I'm sorry. (Hihikbi)

(Sa ilalim ng puno)

BABAE: Dala mo yung sulat mo?

YOHAN: Oo, hay.

(Maglalabas ng lalagyan ang babae)

YOHAN: Ha? Ano yan?

BABAE: Time capsule.

YOHAN: Hmm?

BABAE: Yung mga sulat natin, dito ko ilalagay tapos ibabaon sa lupa. Magkita uli tayo dito pagkalipas ng dalawang taon. Itong mga sulat, sabay nating babasahin sa araw na yon. Baka don alam na natin ang sagot sa lahat.

YOHAN: Yun ang kanyang paraan ng pagsasabing, paalam. Pero iniisip ko pa rin, maigsi lang nang dalawang taon. Kaya ko yun. Kaya kong mag-antay.

(Ilalagay sa loob ng lalagyan ang mga sulat)

BABAE: Buksan natin to exactly two years from now at two pm. Okay?

(Background music plays)

YOHAN: At pagkatapos ng dalawang taon, pwede ulit kami magkita. Pero sa pagkakataong yun. Hindi na kami magiging katulad ng kalagayan namin ngayon. Maraming mangyayari, maraming magbabago. Maaaring mas lalo kaming magkalapit sa isa't isa. O kaya naman tuluyan na kaming maghiwalay ng landas. Isa lang ang pwede naming piliin.

(Sa train station. Parating na ang tren)

BABAE: Sige na, mauna ka na. Maghiwalay na tayo dito.

YOHAN: Hindi pwedeng sabay?

BABAE: Wag na. Dun na ako sa susunod na train. Mas mabuti yun sa atin.

(Sasakay ng tren si Yohan)

YOHAN: Magkita tayo after two years ha.

BABAE: Oo. After two years.

YOHAN: Ingat ka.

BABAE: Bye!

YOHAN: Bye!

(Titingnan ng babae ang tren habang papalayo. Hahabulin ito at sasakay habang si Yohan naman ay bababa)

BABAE: Huh! (Makikita si Yohan sa labas) Yohan!

(Makakalayo na ang tren)

YOHAN: At dun nagtapos ang relasyon naming dalawa.


IKATLONG BAHAGI

YOHAN: Hindi ko nakayanan ang lungkot na naramdaman ko mula ng magkahiwalay kami. Kaya habang binabalikan ko isa isa ang mga nangyayari sa amin, sinimulan kong isulat sa internet ang kwento naming dalawa. Pagkatapos nag-desisyon ako, kapag nagkita kami ulit, ibang Yohan na ang haharap sa kanya. Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng panahon. Para sa kanya to at sa kinabukasan ko.

(Sa loob ng Squash gym maglalaro si Yohan)

YOHAN: Asar naman oh. Bakit ba palaging tinatamaan ng bola ang mukha ko?

(Cut to swimming pool, pagkatapos ay sa Kendo)

YOHAN: Araw-araw akong sumusulat sa internet para ikwento ang tungkol sa aming dalawa. Sa loob ng dalawang taon, naging abala ako sa ibang mga gawain.

(Cut to Squash, swimming pool, at Kendo)

(Sa loob ng Shin Cine)

YOHAN: Ah, excuse me.

PERSONNEL: Yes?

YOHAN: Ako ho yung sumulat ng My Sassy Girl.
Nabasa ng mga taga Shin Cine Production ang mga sinulat ko sa internet at inalok nila akonggawing pelikula ang kwento namin. Yung isang pangarap niya, tinupad ko para sa kanya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya itong magandang balita, pero hangga't hindi dumarating ang araw na yon, kailangan kong mag-antay.

(Sa puno)

YOHAN: Hindi siya dumating. Sa itinakda naming araw para magkita wala siya. Wala nang nakakaalam kung kelan siya darating.

(Huhukayin ni Yohan ang pinagbaunan ng lalagyanan. Bubuksan ni Yohan ang time capsule. Lilitaw ang isang palaka. Magugulat si Yohan)

YOHAN: Pano kaya nakapasok yun sa loob? Nakakapagtaka.

BABAE: Hi Yohan, kumusta ka na? Yung mga araw na magkasama tayo ang saya saya ko. Hindi ako sigurado kung alam mo pero yung taong minahal ko pumanawa na. Yung araw na una kitang nakilala, ang unang taong anibersaryo ng kanyang pagkamatay. Ang totoo niyan, sinubukan ko siyang hanapin sa katauhan mo. Alam ko mali yun. I'm sorry. Gaya ng una nating pagkikita, nakilala ko rin siya sa subway. May sakit ako noon at tinulungan niya ako. Ginawa niya ang lahat ng gusto ko ipagawa sa kanya. Ginawa niya lahat ng buong puso. Katulad ng ginawa mo. Sa ilalim ng punong ito, pinilano namin ang magiging buhay namin na magkasama. Pero sa isang iglap, bigla niya ako iniwan. Noong panahong madalas akong lumalabas kasama mo, madalas kong katagpuin ang mama niya. Gusto niya akong ipakilala sa isang mabait at disenteng lalaki. Pero hindi ko magawa. Bago tayo nagkakilala, pumunta ako sa ilalim ng punong ito. Nagdasala ko sa kanya. Hiniling ko na sana palayain na niya ako. Nung gabing nakita kita, biglang sumagi sa isip ko. Inisip ko na baka siya ang gumawa ng paraan para magkakilala tayong dalawa. Pero habang nakikilala ko ang pagkatao mo, nararamdaman ko na parang nagseselos siya. Pakiramdam ko tuloy nagtataksil ako sa kanya. Habang napapalapit ang loob ko sa yo, lalo ko siyang hindi makalimutan. Lalo akong nahihirapan. Kaya pinasya kong pansamantalang munang lumayo sayo. Gusto ko siyang makalimutan ng nag-iisa.

YOHAN: Pagkatapos ng araw na yon, madalas ko nang binibisita ang lugar naming dalawa.

BABAE: Kung sakaling lumipas ang dalawang taon at hindi mo ako kasama, ibig sabihin wala pa rin akong lakas para harapin ang lahat. Hindi ko alam kung gaano kalaking pagbabagong mangyayari pagkatapos ng dalawang taon. Pakiramdam ko nabubuhay ka lagi sa hinaharap, samantalang ako, naiwang nabuhay sa nakaraan. Sana magkita ulit tayo. Gusto ko mabasa ang laman ng sulat mo.

(Parating ang babae sa puno. May nakaupong matanda sa ilalim ng puno)

BABAE: Lolo bakit? Bakit niyo ako tinitingnan?

LOLO: Ha, ah, dahil napakaganda mo iha. Ang akala ko isang anghel na bumaba mula sa langit eh.

BABAE: Madalas po ba kayong magpunta dito?

LOLO: Paminsan-minsan. May tinatagong sikreto ang punong ito eh.

BABAE: May tinago din po akong sikreto dito.

LOLO: Talaga?

BABAE: Alam niyo po kasi, may binaon kaming sulat dito ng boyfriend ko tatlong taon na ang nakararaan. Kayo po, ano'ng sikreto niyo?

LOLO: Anong nangyari?

BABAE: Nangako kami sa isa't isa babasahin namin ang mga sulat after two years. Pero hindi ako nagpunta.

LOLO: Nahuli ka lang ng isang taon iha.

BABAE: Para kasing napaka-ikling panahon lang ang dalawang taon. Wala pa rin akong kakayahang magpasya. Naubos ang mgs oras ko sa walang kwentang bagay.

LOLO: Ano anong mga bagay?

BABAE: Inisip ko na kung kami talaga ang tinadhana, magkikita pa rin kami kahit walang pagkakataon.

LOLO: Alam mo bang ibig sabihin ng tadhana? Paglikha ng tulay ng pagkakataon para maabot ang iyong minamahal.
Aaminin ko sa yo ang totoo. Nabasa ko na ang sulat na ginawa ninyong dalawa. Nabanggit kong may sikreto din ang punong ito hindi ba?

BABAE: Oo nga po.

LOLO: Pagmasdan mo siyang mabuti. Pareho pa rin ba ang hitsura ng punong ito ng huli mong makita?

(Hahawakan ng babae ang puno)

BABAE: Parang, parang nag-iba nga siya ng konti. Pero hindi ako sigurado.

LOLO: Ang tao maaaring pumanaw na o kaya naman nabubuhay pa. Ganun din ang mga puno, may mga namamatay, meron din namang nabubuhay.
Namatay na ang punong ito nang tamaan ng kidlat noong isang taon. Nahati ito sa dalawa. Nang mangyari yon, awang awa ang isan binata sa sinapit ng puno kaya nong sumunod na tagsibol nagtanim siya ng kapalit ng namatay na puno. Halos magka-pareho ang hitsura ng dalawa. Pagkalagay niya sa bagong puno, tinanong niya ako kung wala itong pinagkaiba dun sa nauna. Nag-aalala siya na nagbago ang hitsura nito. sabi niya may isang tao daw na malulungkot kapag nalaman niyang namatay na ang puno. Kaya ibinilin niya na wala raw dapat ibang taong makaalam.

BABAE: Yohan.

(Tatangkaing tawagan ng babae si Yohan ngunit nagbago na ng numero si Yohan. Sa tren naman ay magkakasalisi silang dalawa. Makikita siya ni Yohan ngunit di naman makikita ng babae si Yohan)

(Sa loob ng isang restaurant)

BABAE: Hi tita.

TITA: Hay naku, angtagal nating hindi nagkita ah. Lalo kang gumanda.

BABAE: Kayo rin naman po hindi tumatanda. Para pa ring dalaga.

TITA: Galing kayo ng England?

BABAE: Opo. One and a half years po akong andun. Kailangan eh para kalimutan siya.

TITA: Right. Ngayon mas okay ka na?
BABAE: Yes tita. Ok na ako.

TITA: Totoo na yan ha. Kasi kung hindi malulungkot ang anak ko.

BABAE: Hindi tita. Matutuwa na siya ngayon.

TITA: Mabuti. Matagal ko na yong gustong mangyari.

YOHAN: Hi tita. Nagpa-picture pa kasi ako eh.

TITA: Hay naku, sa wakas dumating na rin tong batang to. Hinahanap kita lagi sa mama mo. Ang tagal mo na akong ini-indian ha. Napaka-cute talaga ng batang ito. Hindi ba magka-mukha sila? Ito nga pala si Yohan. Dahil alam kong nalulungkot ka kaya gusto kong ipakilala ka sa kanya. Napaka-cute talaga ng batang ito lagi ako nitong tinatakasan hindi ba? Balita ko madalas ka daw dito sa Bupyong. Ba't hindi mo man lang kami dinadalaw?

(Sa babae) Lumabas ka kasama ni Yohan. Sa palagay ko matutulungan ka niya para gumaan ang pakiramdam mo.

(Kay Yohan) Oo nga pala Yohan, paalis ka papuntang England hindi ba? Kagagaling lang niya don. Kaya siguradong mabibigyan ka niya ng maraming tips.

YOHAN: Hindi na. Hindi na ako aalis.

TITA: Teka. Magkakilala kayo?

BABAE: Mahirap paniwalaan pero may nakilala ako mula sa hinaharap. Ikaw ang sa hinaharap.

YOHAN: Ganito ang nangyari noong muli kaming magkita. Sasabihin niyo nagkataon lang. Kailangang lumikha ng mga tulay ng pagkakataon para maabot ang iyong minamahal.


-END-


No comments:

Post a Comment

We'd love to hear from you. Comment your reactions below.