FEATURE OF THE WEEK

FASHION | 16 Work Outfits That'll Make You Feel Like a Boss (And Look Like One Too!)

  In the world of professional style, the right work outfits can completely transform not just how you look but how you feel. From chic blaz...

Sunday, May 4, 2008

JOURNAL | Konsepto at Imahe ng salitang 'Filipino'

Palagi na lang nababanggit ang salitang “Filipino”, “Pinoy”, “Noypi”, at marami pang iba. Madalas ginagamit na lang ang konseptong ito ng walang malalim na pagkaunawa. E kasi nga naman, bakit nga ba kelangang pag-tuunan ng pansin ang isang bagay na palasak sa ating lahat. Pero minsan, mapapaisip ka rin kung ano nga ba ang sinasabi silang “Filipino” o mas tamang itanong kung sino nga ba sila. Sa sarili ko pa lamang ay hindi ko na tiyak kung sino nga ba ako bilang Pilipino. Ang nanay ko ay Tagalog at ang tatay ko naman ay Muslim. Malamang sa malamang, dahil dito sa Luzon nagmula ang nanay ko, may dugo kaming Tsino at Espanyol. Ang tatay ko naman, dahil nagmula sa Sulu, malamang e may lahing Indonesian at Malaysian. E ano ako? Isang-kapat na tsinoy, espanyol, Indonesian at Malayo? Hay, masyado talagang magulo ang pagbibigay kahulugan sa mga pinaka-simpleng bagay.



Ngayon, habang nagtatanong ako sa kung sino nga ba ang Pinoy at nagbubuklat ako ng mga larawan at artikulo sa internet ng mga salitang “Fillipino” at “Filipino culture”, napapangiti ako kasi ang madalas kong makita ay pawing ukol sa ating mga tradisyon. Andyan ang tungkol sa pagkain, sayaw, mga pasyalan, at iba pa. Pero madalang ang nakawan, holdapan, lokohan, tsismisan, inggitan na makita sa mga “sites” ng internet. Kung minsan rin natatawa na lang ako kasi bakit nga ba ganito ang mga Pilipino, natural ba ang mga ugaling ito o maaring impluwensiya lang din sa atin.

Kung susundan ang linya ng pag-iisip ni Charles Darwin sa kanyang teorya ng ebolusyon, maaring napasa ang mga ugaling sa kasalukuyan ay ginagawa natin mula sa ating mga ninuno. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pagka-giliw natin sa mga banyaga. Tinatawag natin itong “xenocentrism”. Kung lilimiim, bakit nga ba naging madali para kay Magellan na dumaong sa dalampasigan ng Limasawa noong dumating siya? Kasi mahilig sa puti ang mga ninuno natin. Kung sa bansang Hapon siguro sila dumaong, tiyak putol ang ulo nila. Kaso, dahil nga giliw tayo sa banyaga, tinanggap natin sila ng buong puso. At ngayon, alam na alam natin na isa sa mga dahilan kung bakit tayo naghihirap ay dahil sa pagtangkilik natin sa mga dayuhan sa halip na sa sarili nating bansa at mga kababayan. Syempre, hindi ko naman sinasabing totoo lahat ito. Ang sinasabi ko lang, maaring isa ito sa mga dahilan.

No comments:

Post a Comment

We'd love to hear from you. Comment your reactions below.